Senado, umalma sa batikos ng Kamara sa pagpapatalsik sa mga miyembro nito na dadalo sa joint session para sa Chacha
Idinepensa ng oposisyon ang desisyon ng Senate leadership sa desisyon nitong disiplinahin at patalsikin ang mga miyembro na dadalo sa sesyon
ng Kamara at lalahok sa sesyon para sa isinusulong na Constituent
Assembly.
Sa harap ito ng mga batikos mula kay House Speaker Pantaleon Alvarez
na wala raw basehan ang senado na tanggalin ang miyembro nitong
pipiliig dumalo sa sesyon ng kamara para aprubahan ang isinusulong na
amyenda sa konstitusyon dahil ang mga mambabatas ay inihalal ng
taumbayan.
Pero ayon kay Senate minority leader Franklin Drilon, batay sa
konstitusyon, may eksklusibong kapangyarihan ang Senado maging ang
kamara na magpataw ng disiplina.
Hindi raw maaring kwestyunin ng sinuman ang naturang kapangyarihan
kahit pa ng Korte Suprema.
Nauna nang nagkasundo ang mga senador na hindi dadalo sa anumang joint
session para sa charter change sa kamara dahil nangangahulugan rin ito
ng joint voting na isa sa tinututulan ng mayorya sa mga senador.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===