Senado umapila sa China na itigil na ang lahat ng uri ng karahasan sa Ayungin Shoal
Umapila si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pamahalaang China na itigil na ang lahat ng uri ng karahasan at iba ang aktibidad na magpapalala sa tensyon sa West Philippine Sea.
Sa harap ito ng panibagong insidente ng panghaharass at pambu bully ng Chinese Coastguard matapos bombahin ng tubig ang isa sa mga civilian vessel na magsusuplay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Zubiri, ayaw ng Pilipinas ng gulo kaya dapat na ring itigil ang anumang pambu bully ng Chinese Coastguard .
Dismayado si Zubiri dahil tumitindi pa ang mga karahasan na ginagawa ang China sa teritoryong sakop habang ang Pilipinas ay patuloy ang pagsusumikap na pakalmahin ang sitwasyon.
Apila niya magkaroon ng code of conduct sa pagitan sa Pilipinas at iba pang nag- aangkin sa teritoryo.
Meanne Corvera