Senado walang nakikitang epekto sa kanilang Committee report ang desisyon ng Malacañang na absweltuhin ang mga opisyal ng SRA
Nanindigan ang Senado na may sapat na basehan para irekomenda sa Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng Department of Agriculture at Sugar Regulatory Administration kaugnay ng naunsyaming sugar importation .
Kasunod ito ng ginawang pag-abswelto ng Office of the President kina dating Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica at mga board members na sina Roland Beltran at Aurelio Valderama.
Sinabi naman ni Senador Francis Tolentino na Chairman ng Blue Ribbon Committee na hindi makakaapekto sa kanilang rekomendasyon ang anumang desisyon ng Senado.
Ang internal investigation aniya ng Office of the President ay iba at hiwalay sa independent investigation ng Senado .
Nauna nang inimbestigahan ng Senado ang isyu kung saan inirekomenda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti-agricultural smuggling law, korapsyon at usurpation of authority laban sa apat na opisyal.
Meanne Corvera