Senador Antonio Trillanes, muling binanatan ang Malakanyang

Binuweltahan ni Senador Antonio Trillanes ang Malakanyang at inakusahan ng Obstruction of Justice si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng ginawang pagsuspinde kay overall Deputy Ombudsman
Melchor Carandang na siyang nag-iimbestiga sa mga umano’y tagong yaman
ni Pangulong Duterte.

Paalala ni Trillanes, isang independent body ang Ombudsman na binigyan
ng kapangyarihan ng Saligang Batas na imbestigahan ang mga reklamo
laban sa ill-gotten wealth.

Ang pagsuspinde umano kay Carandang ay malinaw na pakikialam sa trabaho ng Ombudsman.

Nauna nang sinabi ni Carandang na hawak nila ang umano’y bank records
gaya ng deposits at withrawals sa mga bank accounts ng Pangulo at mga
anak na sina Davao city Mayor Sara Duterte at dating Vice-Mayor Paolo
Duterte.

Nauna nang itinanggi ng anti-money laundering council na sila ang
nagbigay ng bank details.

Dahil dito, pinag-aaralan na ni Trillanes ang pagsasampa ng kaso laban
kay Amlac Executive Director  Mel Racela dahil sa umano’y pag cover up
at pagtanggi ng mga bank transactions.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *