Senador Antonio Trillanes, naghain na ng Counter Affidavit sa Pasay Prosecutors Office para hilinging ibasura ang kasong kudeta laban sa kanya
Naghain na si Senador Antonio Trillanes ng Counter Affidavit sa Pasay City Prosecutors office para hilingin na ibasura ang ikalawang kasong Inciting to Sedition at Proposal to Commit Coup de Etat.
Hiniling ni Trillanes sa Korte na ibasura ang kaso dahil wala itong basehan.
Ang Senador ay kinasuhan nina Labor undersecretary Jacinto Paras at Atty. Marcelino Luna matapos ipawalang-bisa ni Pangulong Duterte ang inisyung amnestiya sa kanya.
Iginiit ni Trillanes na ang kaso ay bahagi lang ng panggigipit sa kaniya ng mga kaalyado ng Pangulo.
Ang unang kasong Inciting to Sedition laban kay Trillanes ay may kaugnayan naman sa kaniyang Priveledge speech sa Senado kung saan hinimok umano ang mga sundalo na mag –aklas laban sa Pangulo dahil sa umano’y mga tagong yaman ng Pangulo.
Ulat ni Meanne Corvera