Senador Antonio Trillanes sinabihan ni Pangulong Duterte na huwag mainip dahil marami pang baho ang pasisingawin
Hindi lamang mga bank accounts ni Senador Antonio Trillanes ang ibubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ng Pangulo na huwag mainip si Trillanes dahil hindi basura ang kanyang akusasyon kundi suportado ng mga ebidensiya.
Ayon sa Pangulo hindi lamang ang mga bank account ni Trillanes ang ibubulgar sa publiko kundi ang iba pang anomalya na kanyang kinasasangkutan.
Inihayag ng Pangulo na si Trillanes ay mayroong mahigit dalawang daang mga consultants at dawit din ito sa paggastos ng Disbursement Accelaration Program o DAP na naging isyu sa panahon ng Noynoy Aquino administration.
Nauna ng sinabi ng Pangulo na wawasakin niya si Trillanes na kilalang kritiko ng kanyang administrasyon matapos idawit ng senador ang kanyang anak na si Vice Mayor Paolo Duterte at manugang na si Atty. Manases Carpio sa umanoy katiwalian sa Bureau of Customs.
Ulat ni: Vic Somintac