Senador Bong Go kinastigo ang DOH
Nakastigo ni Senador Bong Go ang mga opisyal ng Department of Health dahil sa mga hindi pa nagagamit na pondo para sa mga cancer patient
Sa budget hearing para sa hinihinging budget ng DOH, sinabi ni Go na hindi ito katanggap-tanggap.
Sa dami aniya ng mga pasyenteng may cancer at nangangailangan ng agarang medikasyon, ang pondo para dito nakatengga sa DOH.
Lumilitaw na sa may isang bilyong pisong budget para sa mga cancer patient, wala pang nagagastos ang DOH
“Sa dami po ng cancer patient na nangangailangan ng tulong sigurado mauubos hindi katangap tanggap na hindi nagastos pondo sa pagtulong sa kanila, we want to know the plan of the DOH to address this.” pahayag ni Senador Bong Go.
Depensa naman ng DOH, katatapos lang lagdaan ang joint memorandum circular para magamit ang pondo
Nakasaad sa Republic Act no 11215 o National Integrated Cancer Control Law na dapat may joint memorandum circular ang DBM at DOH para sa sa guidelines sa paggamit ng cancer assistance fund.
Nagkasundo na aniya ang DOH at DBM na wala nang magaganap na pirmahan ng joint memorandum circular taon taon para mapabilis ang access ng mga pasyente sa mga DOH hospital at iba pang health facilities sa bansa.
“The reason why zero ang utilization kakapirma ng joint memo circular part of the law na i-incorporate eternal na ang usapan wala na eternal na ang usapan wala na every year na pirmahan ng joint memo circular hindi na kailangan i-renew ang CMC mapapatupad without the need of re signing the CMC. paliwanag ni DOH Usec. Rosario Vergeire
Sa 2024, hiniling na ni Go na ma-doble ang budget ng DOH para sa cancer na nagkakahalaga ngayon ng 500 million pesos
Bukod sa pondo sa cancer patient, umapila si Go sa DOH na ibigay na ang natitirang benepisyo ng mga healthcare workers na dapat naipamahagi sa kasagsagan ng COVID 19 pandemic
“Tapos na nga pô ang pandemya sila nag-hero ng pandemya data magaan ng paraan dahan-dahan mabayaran sana.” wika pa ng mambabatas
Sagot ni Vergeire, umaabot na sa 6.5 million ang mga healthcare workers na nakatanggap na ng kanilang health emergency allowance.
Pero sa ngayon aabot pa sa 66 billion ang kulang na pondo ng DOH
Sa ilalim ng 2024 proposed budget, naglaan aniya ang DBM ng mahigit 19 billion pesos bilang karagdagang pambayad
“Mayron retro active provision sa law July 2021 until end of December hindi nabigyan ng pondo hanggang ngayon hinahanap pa pera we have a total requirement of around 113 billion para sa lahat ng kailangan ng healthcare workers 46 billion nabigay ng may kulang pa 66 billion kabuuan na po.” dagdag pa ni Usec Vergeire
In-aprubahan naman ng Finance Sub-committee ang 204 billion budget ng DOH para sa susunod na taon, at mahigit P100 billion budget ng attached agencies nito.
Meanne Corvera