Senador Cynthia Villar nakatanggap ng parangal mula sa Energy Globe Award
Binigyan ng parangal ng Energy Globe Award si Senador Cynthia Villar dahil sa kitchen waste composting project ng kaniyang Villar Sipag o Social Institute for Poverty Alleviation and Governance.
Kinilala ang Senador sa mahalagang kontribusyon nito para protektahan at pangalagaan ang kalikasan.
Ayon sa Senador ang kitchen waste composting project ay nakakatulong para bawasan hanggang 52 percent ng mga basurang itinatapon dahil ginagawa itong organic fertilizer.
Ang bronze award ay personal na iniabot kay Villar ni Ambassador of Austria to the Philippines Johann Brieger.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang naparangalan sa may isandaan at walumpung mga bansa na pinagpilian ng Energy Globe Award.
Ayon sa Senador, dahil sa composting project na sinimulan noong 2022, nakakatipid ang Las Piñas ng mahigit 300 million pesos kada taon.
Meanne Corvera