Senador Drilon kukumbinsihin si Senador Pangilinan na irekonsidera ang pagbibitiw sa Liberal Party
Hindi inaasahan ni Senate Minority leader Franklin Drilon ang pagbibitiw ni Senador Francis Pangilinan bilang pangulo ng Liberal Party.
Wala syang nakikitang rason para mag resign ito dahil nakita nila kung paano magtrabaho si Pangilinan para ikampanya ang mga kandidato ng ocho direcho.
Sinabi ni Drilon na kukumbinsihin nya si Pangilinan na ire konsidera ang kanyang pasya.
Aapila rin si Drilon sa liderato ng party na huwag tanggapin ang pagbibitiw nito dahil kailangan nila ang iisang matatag na lider gaya ni Pangilinan para pamunuan ang partido.
Bukod kay Pangilinan nabatid na nagsumite na rin ng resignation letter si Jose Christopher Kit Belmonte bilang secretary general ng partido.
Pero tinanggihan ni Vice Preisident Leni Robredo ang resignation ng dalawang opisyal. Sa isang mensahe, sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty Barry Guttierez na marami pang kailangang asikasuhin sa loob ng partido.
Ulat ni Meanne Corvera