Senador Francis Tolentino nababahala sa mga nangyayaring cyber attacks, maaaring maging banta ng National Security
Pinakikilos ni Senador Francis Tolentino ang Department of Information and Communications Technology sa sunod-sunod na cyber attack sa mga ahensya ng gobyerno
Tinukoy ng Senador ang nangyari sa Philhealth, Philippine Statistic Authority na ang pinakahuli ay ang DOST
Nababahala si Tolentino dahil ang mga nangyayaring cyber attack ay banta sa National Security
Pangamba ng Senador baka ang sumunod na makompromiso ay ang datos naman ng mga botante.
Ayon sa senador maaari naman itong pigilan ng DICT kung magiging advance ang kanilang teknolohiya at paiigtingin ang kanilang cyber security measure
“Iyon ang nakakatakot, iyon ang nakakatakot. so DICT should be on top of this. Baka hindi lang mag tatapos sa PSA, di ba? Nakakatakot iyan if the data breach would lead to Comelec files, barangay elections, di ba? iyon ang nakakatakot and banks. I do not want to speculate pero dapat siguro talagang nakatutok ang DICT.” pahayag ni Senador Tolentino
Meanne Corvera