Senador Imee Marcos humingi na ng tulong sa OCD para sa mga taga Ilocos Norte
Nakalabas na ng Philippine area of responsibility ang bagyong egay pero nag- iwan ito ng matinding pinsala sa Ilocos Region.
Ayon kay Senador Imee Marcos, tatlo ang naitalang patay sa quarry sa Dingras sa Ilocos Norte habang isa pa ang nawawala.
Hanggang ngayon hindi pa naibabalik ang suplay ng kuryente at tubig sa Ilocos Norte matapos manalasa ang bagyo.
Mula pa noong martes, wala ng kuryente sa mga bayan ng Pasuquin, Burgos, Bangui, Pagudpud at Adams.
Maraming tulay rin ang lubog sa baha at mahigit dalawang libong residente ang inilikas matapos lumubog sa baha ang kanilang mga bahay.
“Kagabi yung buong baranggay ng lusong sa laoag eh talagang underwater nananawagan kami ng tulong sa ocd pati na rin sa doe kung maari matulungan kami na maibalik ang kuryente sa lalong madaling panahon pagkat yung entire province wala pa ring kuryente tuloy tuloy ang hagupit ng egay” inihayag ni Senador Imee Marcos
Ganito rin ang nangyari sa iba pang lalawigan sa rehiyon.
“yung sa cordillera maraming na landslide na kalsada sa apayao sa benguet sunod sunod landlsie ilocos saw the same thing ganunin sa pagudpod” dagdag pa ni Senador Marcos
Dahil sa epekto ni Egay mungkahi ng Senador dagdagan ang alokasyon ng pondo sa pagtugon sa kalamidad.
Hindi aniya tama na tingi tingi ang inilalaang pondo sa mga ahensyang nangunguna sa pagtugon sa sakuna tulad ng DPWH at DSWD.
Bukod sa Quick Response Fund may calamity fund na ginagamit ang gobyerno pero duda ng Senador hindi ito sasapat dahil sa lawak ng epekto ng bagyo.
Iminungkahi niya rin na baguhin ang building code at building standards dahil mas lumalala at dumadalas ang nararanasang extreme weather disturbance dahil sa climate change.
“Talagang pagtibayin ang mountain passes maliwanag na hindi na pwede yung mga dating building code at structural kailangan baguhin last year tinamaan kami ng lindol tatlong buwan na hindi tumitigil nagmula sa Abra tuloy tuloy sa norte building standards kailangang baguhin naging ordinary na 250 winds structural limit dapat siguro marepaso lahat yan”, dagdag pa ni Senador Imee
Meanne Corvera