Senador Jinggoy Estrada umapela sa gobyerno na tulungan ang film industry sa bansa
Umaapila si Senador Jinggoy Estrada sa gobyerno na sagipin ang naghihingalong film industry.
Ito’y sa pamamagitan ng pagtapyas sa mga binabayarang buwis ng mga film producer tulad ng VAT at Amusement tax.
Ayon kay Estrada, batay sa data ng Film Development Council of the Philippines, aabot sa 10 hanggang 30 million ang kailangang magastos para makapag produce ng magandang pelikula .
Patong patong na buwis rin ang kailangang bayaran ng mga nasa industriya kabilang na ang 10 percent na amusement tax, 5 percent na distribution fee at 30 percent na income tax.
Bukod pa rito ang 45 percent na kita ng pelikula, obligadong ibigay sa may ari ng mga sinenhang nagpalabas ng pelikula.
Pero ngayong taon, sa 20 pelikula na nireview ng movie television review and classification board, siyam lang sa mga ito ang pinayagang ipalabas.
Kuwestyon ng Senador paano ngayon matutulungan ang nasa industriya kung hindi ire review ang kasaklukuyang tax structure.
Kung hindi raw ito maaksyunan maaring tuluyan nang mawalan ng trabaho ang may pitongdaang libong mangagawa sa industriya.
Makakatulong aniya kung tatangkilikin at ipo promote ang mga pelikulang pilipino.
Meanne Corvera