Senador Jinggoy, itinanggi na magkakaroon muli ng kudeta sa Liderato ng Senado

Pinabulaanan ni Senate President pro Tempore Jinggoy Estrada ang umuugong na kudeta laban sa liderato ni Senate president Francis Chiz Escudero.

Dalawang linggo na ang nakalilipas, maugong ang umano’y pagtatangka na palitan sa puwesto si Escudero kung saan ang sinasabing papalit ay si Estrada.

Bago maupo sa puwesto si Escudero nitong Mayo ngayong taon, naging maugong rin ang pangalan ni Estrada na umano’y papalit sa napatalsik na si dating Senate president Juan Miguel Zubiri.

Pero ayon kay Estrada, walang ganitong plano ang mga kapwa mambabatas.

Wala aniyang umiikot na papel para mangalap ng suporta sa mga kapwa Senador para maitalaga siya bilang Senate president.

Paglilinaw ni Estrada, kuntento na sila sa liderato ni Escudero.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *