Senador Koko Pimentel, iginiit na maari pa rin syang kumandidatong senador, itinangging komunsulta kay Atty Topacio
Minaliit ni Senator Aquilino Koko Pimentel ang disqualification case na isinampa laban sa kanya ni Attorney Ferdinand Topacio sa Comelec.
Ayon kay Pimentel, panggulo lang ang petisyon ni Topacio na layong lituhin ang publiko at hindi sya kailanman komunsulta rito
Sinabi ni Pimentel na may desisyon na ang korte suprema sa kaniyang kaso at hindi sya pinagbawalang tumakbo sa re election.
Iginiit ni Pimentel na hindi maaring ibilang sa kaniyang termino ang apat na taon ni Senador Juan Miguel Zubiri dahil anim na taon ang orihinal na termino ng isang senador.
August 2011 nang magresign si Zubiri dahil sa protesta ni Pimentel kaugnay ng umanoy nangyaring dayaan noong 2007 elections.
Ulat ni Meanne Corvera