Senador Lacson, inirekomendang kasuhan ng graft si dating PS-DBM Usec. Christopher Lao
Inirekomenda ni Senador Panfilo Lacson ang pagsasampa ng kasong graft laban sa dating pinuno ng Procurement Service ng Department of Budget and Management na si Undersecretary Loyd Christopher Lao.
Ito’y dahil pinayagan niya ang pharmaceutical company na Pharmally na makakuha ng bilyun-bilyong pisong kontrata sa para sa medical supplies ng gobyerno kahit napakaliit ng kapital ng kumpanya.
Ayon kay Lacson, dapat isama sa magiging rekomendasyon ng Senado ang report na nilabag ni Lao ang Anti-Graft Law nang ibigay ang 13.86 milyong kontrata sa Pharmally gayong ang kapital nito ay aabot lamang sa 599,450 pesos nang magsimula ang kanilang transaksyon sa gobyerno.
Kung ganito kaliit ang kapital, dapat ayon sa net financial contacting capacity ay mahigit limang milyong pisong kontrata lang ang nakuha ng Pharmally.
Sabi ng Senador, lumampas pa ang Pharmally dahil paulit-ulit itong nabigyan ng kontrata na umabot pa sa 11.11 billion pesos.
Nangangahulugan ito na hindi sinunod ni Lao ang alituntunin sa Procurement Law na dapat times 10 lamang ang maxium batay sa network capital.
Senador Lacson:
“The reason why I’m bringing this up is because maybe you can include in your interim preliminary report na merong maliwanag na violation dito and this is violation of anti-graft law because this is an administrative requirement which was not followed,“so mag-agree kayo sa akin, na in-exceed ni attorney lao ang kanyang authority o hindi sinunod ang alituntunin sa procurement law, na dapat times 10 lang ang maximum based sa net working capital you will agree with me that lao exceeded his authority or did not follow the procurement law’s provision on the net working capital”.
Hindi naipaliwanag ng PS-DBM ang kanilang panig dahil walang dumalong kinatawan nila sa pagdinig.
Umiiral pa rin kasi ang Executive Order ng Pangulo na nagbabawal sa mga tauhan at opisyal ng gobyerno na dumalo sa pagdinig ng Senado.
Meanne Corvera