Senador Lacson, Pinaamyendahan ang batas sa partylist system
Pinaamyendahan ni Senador Panfilo Lacson ang batas sa Partylist system.
Ayon sa Senador, hindi na kasi nasusunod ang tunay na mandato nito na dapat katawanin ang mga marginalized sector tulad ng mga magsasaka at mahihirap na sektor sa lipunan.
Aniya , ginagamit lang ng mga bilyonaryong pulitiko ang partylist at kinakatawan ang mga hindi naman kabilang sa marginazalized sector.
Inihalimbawa nito ang Partylist para sa mga security guards, basketball players at iba pang grupo na hindi naman talaga direktang kumakatawan sa mga mahihirap na sektor.
Sinabi pa ni Lacson na mismong si Pangulong duterte ang nagsabing ang partylist system ay ginagamit ng mga mayayamang grupo o negosyante para i lobby ang kanilang interes sa Kongreso.
Mas marami aniyang grupo ang mas nangangailangan ng representasyon sa Kongreso at dapat ito rin ang tingnan ng Commission on Elections.
Meanne Corvera