Senador Lito Lapid nais na itaas ang campaign expenses ng mga kumakandidato sa national at local elections sa bansa

Sa inihaing Senate Bill 2460, nais paamyendahan ni Lapid ang Republic Act 7166 o Synchronized National and Local Elections na nagtatakda ng campaign expenses ng bawat kandidato.

Ayon sa Senador, mahigit tatlong dekada na mula nang maisabatas ang R.A. 7166 at wala ng halaga ang Tatlo hanggang Sampung piso na pinapayagang limitasyon sa gastos ng mga kandidato sa bawat botante

Katunayan nito ang patuloy na pagsirit ng presyo ng mga produkto o inflation rate.

Mahigit tatlong dekada na po mula nang isabatas ang R.A. 7166, at ang Tatlong piso hanggang Sampung pisong limitasyon sa campaign expenses kada botante ay wala na pong halaga ngayon” pahayag ni Senador Lito Lapid

Patuloy rin aniya ang pagsadsad ng halaga ng piso dahil sa inflation na nagdulot na rin ng pagtaas ng gastusin sa mga aktibidad sa kampanya tulad ng advertising, tranportation at iba pang campaign materials.

Dahil sa napakababang allowable campaign expenses, marami aniya sa mga kandidato at mga political parties ang gumagawa ng pandaraya sa kanilang mga report hinggil sa naging gastusin sa kampanya

Sa panukalang batas, mula sa 3 hanggang 10 pesos, iminumungkahing itaas sa 50 pesos ang gastos sa kada kandidato sa pagka-Pangulo, 40 sa Bise Presidente, 30 sa mga Senador, District Representative, Gobernador hanggang Partylist Representatives

“Sa pamamagitan po ng pag-a-update ng mga gastusin sa kampanya, layunin nating gawing mas makatotohanan ang badyet sa kampanya at sumasalamin sa umiiral na presyo ng mga produkto at serbisyo.” saad pa ng mambabatas.

Mananatili naman sa Limang piso ang limitasyon sa gastos ng mga inpendent candidate habang ang mga political parties itataas sa 30 pesos ang ceiling cap mula sa kasalukuyang limang piso.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *