Alegasyon ni Senador Trillanes tinawag na fake news ni Senador Bong Go
Tinawag na panis at fake news ni Senador Christopher Bong Go ang alegasyon laban sa kaniya ni Senador Antonio Trillanes.
Ayon kay Go, hindi pa man siya nauupong Senador noong 2018 sinagot niya na ang paratang ni Trillanes.
Katunayan, hinamon niya pa itong magsampa ng kaso sa korte kung talagang may hawak itong ebidensya pero pagkatapos ng tatlong taon wala ni isang kasong naisampa laban sa kanya.
Giit ng Senador wala siyang kinalaman kung nakakuha man ng kontrata ang kaniyang kamag-anak at hindi siya nakinabang sa anumang transakyon.
Buwelta ni Go ni- re recycle lang ni Trillanes ang lumang isyu para mapag-usapan dahil kakandidato ito sa eleksyon.
Meanne Corvera