Senador Manny Pacquiao,inoobligang humarap sa Senado kapag inimbestigahan ang mga alegasyon ng katiwalian
Obligado si Senador Manny Pacquaio na dumalo sa pagdinig ng Senado sakaling imbestigahan na ang mga alegasyon nito na katiwalian sa ibat ibang ahensya ng gobyerno.
Kasama sa paratang ng Senador ang umano’y nawawalang 10.4 billion sa pondo ng DSWD na para sana sa ayuda ng mga mahihirap na filipino na apektado ng pandemya.
Ayon kay Senador Francis Tolentino na kapartido ni Pacquaio sa PDP laban, kailangan kasi nitong magprisinta ng mga ebidensya oras na ipatawag ng Senate blue ribbon committee ang mga inaakusahang tanggapan ng gobyerno.
Taliwas ito sa naunang pahayag ng ibang Senador na maari nang hindi dumalo physically si Pacquaio at pwede itong mag participate sa hearing sa pamamagitan ng online gaya ng ginagawa ngayon habang may pandemya.
Si Pacquaio ay kasalukuyang nasa estados unidos para sa paghahanda sa kaniyang laban sa Agosto.
Meanne Corvera