Senador Miguel Zubiri, inirekomenda na ang summit sa Senate at House leadership dahil sa deadlock sa ChaCha
Inirekomenda ni Senator Miguel Zubiri ang pagsasagawa ng summit sa pagitan ng senado at kamara para pag usapan ang gusot sa charter change.
Ang Legislative Summit ang nakikitang solusyon ni Zubiri sa deadlock ngayon sa pag usad ng proseso sa chacha.
Sa harap ito ng hindi pagkakasundo sa magiging paraan ng pagboto ng mga senador at kongresista.
Ang kamara ay nagpasa na ng resolusyon para magkasamang umupo at magbotohan bilang Constituent Assembly na tatalakay sa chacha kasama ang senado
Pero hindi ito tinanggal ng Senado at iginiit na mawawalan sila ng saysay kung kasama nila sa botohan ng halos 300 kongresista.
Ayon kay Zubiri dapat bigyang daan ang legislative summit para makapag usap at magkaroon ng kasunduan ang mga lider ng Senado at Kamara sa magiging proseso at patakaran sa pag amyenda o pagbabago sa Saligang Batas.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===