Senador Lacson, Nagbitiw bilang Chairman at miyembro ng partido ng Demokratikong Reporma
Nagbitiw na si Senador Ping Lacson bilang Chairman at miyembro ng partido ng demokratikong reporma.
Ang announcement ay ginawa ni Lacson habang nangangampanya sa General Santos city ngayong araw.
Ayon kay Lacson, kahapon nakatanggap siya ng mensahe mula kay dating House Speaker at reporma President Pantaleon Alvarez na nagdesisyon silang i endorso ang katunggaling si Vice president Leni Robredo
Inamin ni Lacson na kahit siya ang idineklara ng reporma na pambato matagal na siyang inabandona ng partido.
Katunayan wala siyang nakukuhang suporta sa ground sa simula pa lamang ng kampanya.
Wala naman raw siyang sama ng loob kay Alvarez at mga kapartido nito.
Dahil dito tatakbo si Lacson bilang independent candidate.
Wala raw siyang balak na umatras at tatapusin ang laban hanggang sa dulo.
Bukod kay lacson, nagbitiw na rin bilang tagapagsalita ng reporma sina dating Congressman Ashley Acedillo at Rafael Rodriguez bilang Chairman ng reporma Cavite chapter.
Kasamang nagbitiw ni Rodriguez ang mga District at Municipal Chairmen ng partido sa Cavite.
Mayroon na raw silang naunang commitment na si Lacson ang kanilang susuportahan sa halalan.
Meanne Corvera