Senador Robin Padilla, naghahanda na sa Senado

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Senador Elect Robin Padilla sa magiging trabaho sa Senado.

Kanina, dumalo ang Senador sa isinagawang briefing para sa legislative process sa Senado.

Sa briefing na may titulong executive mentoring on legislative governance na pinangunahan ni Deputy Secretary Edwin Belen, masusi ang ginawang pakikinig at pag-aaral ng Senador.

Itinuro sa briefing ang plenary procedures at paano pumapasa ang mga panukalang batas sa committee level.

Si Padilla ang inaasahang magiging Chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and revision of codes and social justice, Welfare and Rural Development.

Ayon sa Senador, isandaang porsyento na siyang handa sa trabaho at hindi siya natatakot na makipagdebate sa mga kapwa Senador pero sa wikang Pilipino.

Una sa kaniyang agenda ang panukala para paamyendahan ang saligang batas.

Marami na rin aniya siyang naka line up na mga panukala na ihahain oras na magbukas ang 19th Congress.

Sinabi ni Padilla na oras na magsimula na ang pagdinig sa Charter Change, ilan sa kaniyang mga maaaring maimbitahan si outgoing Minority leader Franklin Drilon.

Madalas niya raw kasi itong nakakasagutan sa pamamagitan ng social media at bilang abugado nais niya ring alamin ang pananaw nito sa pangangailangan na amyendahan ang saligang batas.

kahapon, ini-award na rin kay Padilla ang Certificate of Completion para sa customized program na legislative governance.

Sa ngayon wala pang opisina si Padilla sa Senado.

Ira raffle pa kung kaninong opisina ang mapupunta sa kanya mula sa mga Senador na nagtapos na ng kanilang termino.

Namimili pa rin siya ng mga maaring maging staff sa Senado pero gusto niya magkaroon ng rin empleyado na kapwa niya muslim.

Meanne Corvera

Please follow and like us: