Senador Ronald dela Rosa hindi nababahala sa desisyon ng ICC
Hindi nababahala si senador Ronald “bato” dela rosa sa anumang magiging desisyon ng international criminal court kaugnay ng imbestigasyon sa umanoy extra judicial killings
Ang ICC ay nag-imbestiga kahit pa may inihain nang apila ang gobyerno ng pilipinas na itigil na ang panghihimasok sa umanoy mga kaso ng pagpatay sa war on drugs sa ilalim ng Duterte Administration
Ayon kay Dela Rosa, wala syang pakiaalam anuman ang pasya ng icc.
Tama aniya ang naunang pahayag ni justice secretary Jesus Crispin Remulla na hindi susundin at hindi ipapatupad ng gobyerno ng Pilipinas kahit pa mag-isyu ng warrant of arrest ang icc sa mga sinampahan ng kasong crime against humanity
Bukod kay dela rosa kasama sa kinasuhan si dating Pangulong Rodrigo Duterte
Pero ayon kay Dela Rosa nakausap nya ang dating Pangulo at ganito rin ang kaniyang pahayag.
Iginiit ni Dela Rosa na hindi obligadong sumunod ang pilipinas sa icc dahil hindi na tayo miyembro ng rome statute
Meanne Corvera