Senador Sonny Angara , nakipagpulong na sa FIBA para sa paghohost ng Pilipinas sa FIBA World Cup sa susunod na taon
Aang Pilipinas ang magiging host ng FIBA World cup sa susunod na taon.
Ayon kay Senador Sonny Angara na siya ring Chairman ng Samahang Basketball ng Pilipinas, nakipagpulong na siya sa FIBA officials para dito.
Magsisimula ang World cup phase sa August 25, 2023 kasama ang Japan at Indonesia kung saan gagawin ang championship sa September 10 ng susunod na taon.
Malaking oportunidad aniya ito hindi lang sa larangan ng sports kundi sa tourism industry.
Ayon kay Senador Christopher Bong Go na Chairman ng Senate Committee on Sports, maraming lugar ang pinagpipilian para pagdausan ng World cup.
Kabilang na rito ang Philippine Arena at MOA Arena.
Ayon kay Go, malaking tulong ito lalo ngayong bumabangon ang ekonomiya ng bansa.
Ang pambato ng Pilipinas na Gilas Pilipinas ay pasok na sa 2023 FIBA World Cup matapos nitong matalo sa FIBA World Cup Asian Qualifiers ang team Saudi Arabia.
Nanood sa naturang laban si Pangulong Bongbong Marcos at mga Senador.
Meanne Corvera