Senador Trillanes, hiniling na ipatawag ng Senado ang AMLC sa kinukwestyong bank accounts ni Pangulong Duterte
Hinimok ni Senador Antonio Trillanes IV ang Senate Committee on Banks na ipatawag ang Anti-Money Laundering Council o AMLC matapos hindi sumunod sa Ombudsman na magsumite ng mga bank details at transactions ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Trillanes, kung talagang nagpapatupad ng transaparency at accountability ang senado, dapat ipatawag sa pagdinig ang AMLC para pagpaliwanagin bakit tinanggihan ang kahilingan ng Ombudsman.
Ang pagtanggi umano ng AMLC na maibigay ang bank details ng pamilya ng pangulo ang dahilan kaya ibinasura ng Ombudsman ang kaso na inihain ni Trillanes.
Igiinit ni Trillanes na ang katotohanan at ikareresolba ng isyu ay hawak ng AMLC pati na rin ng Bank of the Philippine Islands.
Una naring tumangging maglabas ng bank record ng pangulo dahil hindi naman ito pumirma ng bank waiver bukod pa sa umiiral na Bank secrecy law.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===