Senador Trillanes kinasuhan ng libelo

Sinampahan ng DOJ ng kasong libelo sa Makati City Regional Trial Court si Senador Antonio Trillanes IV dahil sa mga alegasyon nito ng corruption laban kina dating Vice President Jejomar Binay at pamilya nito bago mag-eleksyon noong 2016.

Ayon sa resolusyon ng DOJ na may petsang October 9, nakitaan nito ng probable cause para litisin sa korte ang reklamo ni Binay laban kay Trillanes.

Malinaw anila na defamatory ang mga paratang ng senador laban kina Binay kabilang ang ukol sa 100 milyong piso na sinasabing raket nito taun-taon sa ghost senior citizens ng Makati City.

Sinabi rin ng DOJ na may malisya ang public statement ni Trillanes na nagaakusa ng katiwalian kay Binay dahil hindi naman ito batay sa established facts.

Ginawa rin anila ni Ttrillanes ang paratang sa labas ng tungkulin nito bilang senador kaya hindi ito sakop ng privileged communication.

Isinulat ang resolusyon ni Senior Assistant State Prosecutor Edwin Dayog at inaprubahan ni senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *