Senador Trillanes, kinuwestyon ang ligalidad ng Proclamation 572 na nagpapawalang-bisa sa kaniyang amnestiya
Nagpasaklolo na sa Korte Suprema si Senador Antonio Trillanes para kwestyunin ang legalidad ng inilabas na Proclamation no. 572 ng Malacañang na nagpapawalang bisa sa kaniyang amnestiya.
Sinabi ni Trillanes hiniling nila sa Korte Suprema na maglabas ng Temporary Restraining Order o TRO dahil iligal ang ginawa ng Malacañang dahil naghain siya ng application para sa amnestiya at umaming guilty sa kasong kudeta at rebelyon.
Wala raw siyang kopya ng application form dahil gaya ng pag-aaplay ng pasaporte, isinusumite ito sa ahensyang nakakasakop o ang Department of National Defense.
Pero meron siyang Certificate ng Amnesty na katunayang dumaan siya sa proseso.
Sen. Trillanes:
“Ang basis ng Presidential Procalamatiin ni Duterte ay isang malaking kapalpakan at kasinungalingan yung sinasabi na hindi ako ang-apply personally naging saksi kayo it was coered live palpak na agad basura na agad, hindi ako nag-dmit ng guilt at yun ang requirement ng aquino administration bago ako mapayagan ng amnesty”.
Hindi rin aniya maaring maglabas ng alias Warrant of Arrest o Hold Departure order ang Makati RTC batay sa urgent petition ng DOJ dahil naibasura na ang mga kaso laban sa kaniya.
Ipinakita pa ni Trillanes ang nakuha nilang kopya ng desisyon ng Branch 148 at 150 noong September 24, 2011 kung saan nakasaad ba na-dismiss ang kaso laban sa kaniya at mga miyembro ng magdalo group kaugnay ng nangyaring Oakwood mutiny at Marine standoff.
Nakapagtataka aniya na nang ibasura ito ng Makati RTC, hindi naman naghain ng Motion for Reconsideration ang prosekusyon katunayang wala na silang balak i-apela pa ang kaso.
“It boggles my mind kung gaano ka incompetent itong mga tao na ito staring with duterte pipirma ka ng ganitong Presidential declaration it shows the low quality of his legal abilities and legal skills same with itong si Calida. I am alarmed by the level of katangahan nitong mga taong ito ito yung namamahala ng ating bansa mang-iipit lang kayo palpak pa ayusin nyo nga”.
Hindi naman naglabas ng desisyon ang Makati RTC sa halip itinakda ang pagdinig sa September 13 sa sala ni Judge Andres Bartolome.
Inatasan din ang kampo ni Trillanes na sumagot sa loob ng limang araw.
Ayon sa Senador, nakahanda na ang mga ihahain nilang sagot sa Korte.
Pero kahit walang inilabas na Arrest order, wala pa siyang balak na lumabas ng Senado.
Aminado ang Senador na magdamag syang hindi nakatulog dahil iprinoseso ang lahat ng kinakailangang dokumento sa kanilang mga ihahaing petisyon.
Samantala inupakan ng mga Senador ang Philippine National Police matapos magpadala ng mga tauhan ng CIDG sa Senado para arestuhin si Trillanes.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: