Senador Zubiri bumaba na bilang SP
Nagbitiw na si Senador Juan Miguel Zubiri bilang Senate President.
Ayon kay Zubiri, dahil sa hindi pagsunod sa instructions ang dahilan kung bakit siya natanggal sa puwesto.
Sinabi ni Zubiri na ginawa niya ang lahat para protektahan ang pagiging independent ng Senado pero wala na siyang magagawa sa sitwasyon ng pulitika sa bansa.
Sa kaniyang Valedictory speech, ipinagmalaki naman ni Zubiri na sa dalawang taong pamumuno bilang Senate president, maraming mahahalagang panukalang batas ang ipinasa ng Senado na kasama sa mga priority agenda ng Marcos Administration.
Bukod pa rito ang mga Institutional reform na ginawa sa Senado gaya ng dagdag na benepisyo sa mga manggagawa ng Senado.
Naging emosyonal naman si Zubiri sa pamamaalam sa mga kapwa Senador.
Iginiit naman ni Zubiri na hindi niya tinanggap ang pagiging lider ng senado para magpadikta at ipinagmalaki na nananatiling independent ang Senado sa ilalim ng kaniyang Liderato.
Kasabay na nagresign ni Zubiri ang ilang lider ng senado kabilang na sina Senador Joel Villanueva bilang Majority floor leader, si Senador Sonny Angara bilang Chairman ng Senate Finance Committee, Senador Nancy Binay bilang Chairman ng Senate Committee on Tourism at si Senador JV Ejercito na Chairman ng Senate Committee on Urban Planning at Local Government at Senador Loren Legarda bilang Senate president pro tempore.
Meanne Corvera