Senador Zubiri tinawagan na ni Pangulong Duterte para bilisan ang panukalang Bangsamoro Basic Law
Ipinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatibay ng panukalang Bangsamoro Basic Law.
Katunayan, sinabi ni Senador Juan Miguel Zubiri na tinawagan sya ng pangulo sa pamamagitan ni bong go para alamin ang status ng BBL sa senado para masertipikahan na itong urgent
Nais raw makatiyak ng pangulo na lulusot ang panukala sa senado
Dahil dito, nagpatawag na ang senado ng marathon hearing sa susunod na linggo.
Magsasagawa na rin aniya sila ng public hearing sa Cotabato aMarawi city para alamin ang pulso ng mga taga Mindanao sa isyu ng BBL.
Sa ilalim ng BBL, bubuo ng Bangsamoro entity na syang tutugon sa halos ilang dekada nang problema sa peace negotiations ng gobyerno sa MILF.
Target aniya nilang makabuo ng draft report at mapaaprubahan ang panukala bago mag break ang kongreso sa huling linggo ng Marso
“Ang timeline ko is i like to finish the discussion on 2nd and 3rd reading on 2nd week of March before the session break so my timeline is we’re having hearings next week meron ding out of town hearings that weekend we have a break one week and then on Feb 8 to 11 we will be back to basulta area and then we come back to manila we will have the comm report ready by third week of Feb.”
Kumpyansa si Zubiri na makakakuha ng sapat na suporta ang mabubuo nilang draft resolution.
Pero inamin nitong may mga kapwa senador ang kumukwestyon at ayaw sa BBL dahil sa pinangangambahang pagbuo ng autonomous region na sasamantalahin ang kanilang kapangyarihan para bunili ng mga bagong armas at mga military equipment.
Ulat ni Meanne Corvera