Senate Blue Ribbon Committee, nagsagawa ng huling pagdinig sa Laptop Anomaly ng DepEd
Ipinagpapatuloy ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagdinig sa umano’y anomalya sa mga biniling laptop ng Department of Education para sa mga pampublikong guro.
Ayon kay Senador Francis Tolentino na Chairman ng komite, ito na ang huling pagdinig.
Sa pagsisimula ng pagdinig, humingi ng paumanhin si Tolentino sa aniya’y mga kaibigan at kakilala na tatamaan sa kanilang mga rekomendasyon at sinabing batay lang ito sa mga nakalap nilang ebidensiya.
Sinabi ni Tolentino, marami na silang na establish sa mga pagdinig.
Kabilang na rito ang impormasyon na wala sa orihinal na Memorandum of Agreement sa pagitan ng DepEd at PS DBM ang 2.4 billion na kontrata para sa laptop.
Sa halip rin na internet load gaya ng nakasaad sa bayanihan law, ang pondo ng DepEd para sa computerization program idinivert para ibili ng laptop.
Inamin rin ng COA na pricey o mas mataas ang presyo ng laptop kumpara sa presyo sa merkado.
Natukoy rin na ipinamahagi ang laptop sa mga non teaching personnel na taliwas sa nakasaad sa kontrata.
Meanne Corvera