Senate hearing sa Jee Ick Joo slay, ipinagpatuloy ngayong araw
Ipinagpatuloy ngayon ng Senate Committee on Public Order and Dangeros Drugs ang imbestigasyon sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo na pinatay sa loob ng Kampo Crame.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa kaso ng Oplan Tokhang for Ransom, tiniyak ng PNP Internal Affairs Service na ilalabas nila bago mag March 15 ang resolusyon sa ginawa nilang imbestigasyon laban sa mga pulis na idinadawit sa pagpatay.
Sinabi ni Atty. Alfegar Triambulo na may ilang dokumento na lamang na nirerebisa.
Paliwanag ni Triambulo, natagalan ang imbestigasyon dahil kasama sa kaniyang inusisa ang financial status ng mga pulis na idinadawit sa kaso.
Kabilang na rito ang mga pangunahing suspek na sina SPO3 Ricky Sta Isabel at Police Supt. Raphael Dumlao.
Ulat ni: Mean Corvera