Senate President Vicente Sotto lll may reserbasyon sa paglagda ng 2019 P3.7 trillion national budget

Nilagdaan na ni Senate President Vicente Sotto lll ang kopya ng 2019 General Appropriations bill.

Ayon kay Senador Sotto, pagkatapos lagdaan, naipadala na sa Malacañang ang kopya ng budget para mapirmahan na rin ng pangulo.

Pero nilinaw ng senate president na lumagda sya ngunit hindi nangangahulugang sinusuportahan nya ang P75 billion na halaga ng programa o proyekto ng Department of Public Works and Highways  o DPWH na binago ng Kamara pagkatapos itong maratipikahan ng dalawang kapulungan noong February 6.

Sa katunayan, nakapaloob sa lagda nya sa budget ang kaniyang reservation.

“I affix my signature with strong reservations. my attestation is limited only to those items approved by the bicmeral conference committee and ratified both houses of congress”

Ipauubaya na nila sa pangulo kung ive- veto ang bahagi ng kinukwestyon nilang pork barrel 

Sinabi ng mga senador na pinayuhan nila si Sotto na pirmahan na ang budget para hindi sila maakusahang hinohostage ang pondo 

Sa ganitong paraan masisimulan na rin anila ang mga napending na proyekto ng gobyerno.


Kopya ng sulat ni Senate President Tito Sotto kaugnay ng reservations sa nilagdaang kopya ng 2019 General Appropriations bill

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *