Senate probe sa Chocolate hills Resort
Umarangkada na ang imbestigasyon ng Senado sa kontrobersyal na resort na itinayo sa paanan ng Chocolate hills sa Bohol.
Apat na resolusyon ang inihain sa Senado para busisiin sino ang nagbigay ng permit at bakit pinayagan na magtayo ng istruktura sa isang protected area.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Environment, kinuwestyon ng Chairman ng komite na si Senador Cynthia Villar bakit nagtuturuan ang mga lokal na opisyal ng Bohol, DENR at protected area management board sa pagbibigay ng permit.
Marahil tip of the iceberg lang aniya ang nadiskubreng resort dahil matapos itong lumabas sa social media, marami pa palang istruktura na naitayo sa mga protected areas.
Tinawag naman ni Senador Raffy Tulfo ang mga opisyal ng DENR na bantay salakay .
Paliwanag ng Senador, ang DENR ang inatasan na magbantay at mag- alaga sa kalikasan pero kapag nadiskubre na ang kapalpakan, nagtuturuan at nagpapasahan ng sisi ang mga opisyal.
Meanne Corvera