Senatoriables puspusan na ang kampanya

0
Senate of the Philippines seal

Courtesy: econgress.gov.ph

Halos isang buwan bago ang eleksiyon sa Mayo, puspusan na ang ginagawang kampanya ng mga Senador na kumakandidato para muling maluklok sa senado.

Sinuto ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr., ang mga kababayan sa probiniya ng Capiz kasabay ng kanilang ika-isangdaan at dalawampu’t apat na founding anniversary.

Si Revilla ay idineklara bilang adopted son ng Capiz dahil sa kaniyang mga proyekto at programa para sa lalawigan.

Noong 2019, si Revilla ang ika-lima sa mga nakakuha ng pinakamataas na boto sa lalawigan.

Pinangunahan naman ni Senador Christopher Bong Go, ang inagurasyon ng bagong Super Health Center sa Cagayan.

Bahagi aniya ito ng kaniyang pagsusumikap na ilapit sa mamamayan ang healthcare system at mas mapabilis ang pagbibigay ng medical services sa mga kababayan.

Mga taga Rizal naman ang binisita ni Senador Imee Marcos, habang sa Cebu nagtungo si Senador Lito Lapid.

Isinusulong ni Lapid ang paglago ng heritage tourism destinations.

Bilang chairman ng Senate Committee on Tourism, nais ni Lapid na mapondohan ang pagpapakumpuni sa mga heritage site an ansira ng mga kalamidad para magsilbing tourist destinations.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *