Senior healthcare workers sa Maynila, sinimulan ng turukan ng Astrazeneca vaccines
Sa Maynila, sinimulan na ang pagbabakuna kontra COVID -19 sa mga senior healthcare worker o iyong mga nasa edad 60 pataas.
Ang pagbabakuna ay ginawa sa Ospital ng Maynila kung saan ang ginamit ay COVID- 19 vaccine ng Astrazeneca.
Nagtungo naman si Manila Mayor Isko Moreno sa Ospital ng Maynila para personal na maobserbahan ang vaccination activity.
Nasa 266 Senior healthcare workers ang kanilang target mabakunahan ngayong araw.
Bagamat una ng nabigyan ng alokasyon ang Maynila ng COVID- 19 vaccine ng Sinovac hindi naman nakasama sa mga tinurukan nito ang mga healthcare worker na nasa edad 60 pataas.
Ang CoronaVac kasi ng Sinovac ay pwede lamang sa mga nasa edad 18 hanggang 59 anyos.
Habang ang Astrazeneca vaccine naman ay pwede sa basta nasa edad 18 pataas.
Madz Moratillo