Serbisyo sa bawat ahensiya ng pamahalaan sa gitna ng muling paglobo ng COVID-19 sa bansa,pinatitiyak ni Pangulong Duterte
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga department heads ng ahensiya ng pamahalaan na tiyakin na hindi maaapektuhan ang serbisyo ng gobyerno sa publiko.
Ginawa ng Pangulo ang kautusan sa gitna ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa na hinihinalang dulot na ng omicron variant.
Sinabi ng Pangulo na mayroon ng mga tanggapan ng gobyerno na tinatamaan na ang kanilang mga empleyado ng COVID-19 kaya kinakailangang maghanda ng contingency measures upang hindi matigil ang pagbibigay ng serbisyo sa taongbayan.
Inihayag ng Pangulo anuman ang mangyari hindi dapat na maparalisa ng COVID-19 ang serbisyo sa ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan.
Vic Somintac