Serye ng European shows kinansela ni Celine Dion dahil sa hindi pangkaraniwang ‘neurological disorder’
Kinansela at ipinagpaliban ni Celine Dion ang serye ng kaniyang European shows, dahil sa isang “lubhang hindi pangkaraniwang neurological disorder” na nakaapekto sa kaniyang pagkanta.
Sa isang limang minutong video na kaniyang ipinost sa Instagram sa wikang French at English, emosyunal na sinabi ni Dion na matagal na panahon na siyang nakararanas ng problema sa kalusugan.
Ayon sa Canadian diva, “Recently I have been diagnosed with a very rare neurological disorder called ‘stiff person syndrome’ which affects something like one in a million people. It has been causing spasms that “affect every aspect of my daily life,” sometimes causing difficulties when I walk and not allowing me to use my vocal chords to sing the way I’m used to. It hurts me to tell you today this means I won’t be ready to restart my tour in Europe in February.”
Dagdag pa niya, “I was supported by my children and a team of doctors every day to improve my condition, but I have to admit I struggle. All I know is singing, it’s what I’ve done all my life and it’s what I love to do the most.”
Binanggit ng singer ang spasms nang ipagpaliban niya ang kaniyang European tour sa unang bahagi ng taong ito.
Naluluha pa niyang sinabi, “I miss seeing all of you, being on the stage, performing for you.”
Ang kaniyang spring shows sa Europe, na nakatakdang magsimula sa Czech Republic sa February 2023, ay ipinagpaliban sa 2024, habang walo sa kaniyang summer shows ang tuluyan nang kinansela.
Ang “Courage World Tour” ay nagsimula noong 2019, at natapos na ni Dion ang 52 shows bago nahinto dahil sa pandemya ng COVID-19.
Kalaunan ay kinansela niya ang North American section ng tour dahil sa kaniyang problema sa kalusugan.
© Agence France-Presse