Serye ng pambobomba sa ilang bahagi ng Mindanao hindi nakapigil sa plebesito sa Lanao del Norte at North Cotabato, ayon sa Malakanyang
Hindi kayang takutin, o pigilan ng mga pambobomba ang mga residente sa Lanao del Norte at North Cotabato sa kanilang pagboto sa ikalawang yugto ng plebesito para sa Bangsamoro Organic Law o BOL.
Reaksyon ito ng Malakanyang sa serye ng mga pambobomba sa ilang bahagi ng Mindanao bago ang plebesito.
Sinabi ni presidential Spokesman Salvador Panelo na gwardiyado ng sapat na bilang ng mga sundalo at police ang ilang bahagi ng Mindanao particular ang Lanao del Norte at North Cotabato kung saan idinaos ang plebesito para sa BOL.
Ayon kay Panelo binantayan ng mga otordad ang kaligtasan ng mga botante.
Inihayag ni Panelo may nakalatag na security measures para pigilan ang anumang posibleng banta mula sa mga armadong grupo o terorista na naglalayong isabotahe ang kasalukuyang demokratikong proseso.
Ulat ni Vic Somintac