SFA Enrique Manalo nakipag-pulong sa mga foreign ministers ng South Korea at Norway sa sidelines ng UN General Assembly
Nakaharap ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang kaniyang mga counterpart mula sa South Korea at Norway sa sidelines ng 77th United Nations General Assembly (UNGA) sa New York, USA.
Isa na rito si South Korean Foreign Minister Park Jin.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagkasundo ang dalawa na i-elevate ang ugnayan ng Korea at Pilipinas sa strategic partnership.
Kabilang na rito ang high-level engagements, closer maritime cooperation, increased collaboration sa common security challenges, pagpapalawig ng kooperasyon sa trade and investments at sa science and technology, at mas malapit na people-to-people exchanges sa pamamagitan ng turismo, education exchanges, at labor cooperation.
Nakausap din ni Manalo sa sidelines ng UNGA ang Foreign Minister ng Norway na si Anniken Huitfeldt.
Kinilala ni Manalo ang Royal Norwegian Government para sa matibay nitong commitment na suportahan ang peace negotiations sa Pilipinas.
Pinagtibay din ng dalawang foreign ministers ang malakas na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Norway at ang kahalagahan ng dalawang bansa sa maritime affairs.
Moira Encina