Shelter-grade tarps at iba pang relief items, ibinigay ng int’l groups sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette
Nagsanib-puwersa ang US Agency for International Development (USAID), International Organization for Migration (IOM), at World Food Programme para tumulong sa gobyerno sa pagresponde sa mga sinalanta ng Bagyong Odette
Inihatid ng IOM sa mga apektadong lugar ang mga shelter-grade tarpaulins mula sa USAID.
Naka-prepositioned na ang ilan sa mga heavy- duty sheeting mula sa national warehouse ng DSWD sa Southern Leyte para magsilbing emergency shelter ng mga naapektuhan ng bagyo sa lugar at iba pang kalapit na isla na tinamaan ng kalamidad.
Noong pang nakaraang taon nakaantabay ang mga nasabing gamit para sa panahon ng bagyo.
Sa kabuuan ay nasa 7,600 shelter grade tarps ang idinideliver ng IOM.
Bukod dito, ang nasa 9,000 PPEs, face masks at hygiene materials na ipamimigay sa mga nasa evacuation sites.
Nagkaloob din ang USAID at WFP ng 10,000 government family food packs para sa pamilyang naapektuhan ng Odette.
Nakipag-tulungan din ang IOM sa Philippine Coast Guard (PCG) upang makapagbigay ng mga PPEs, medical services, tarpaulins, at iba pang assistance sa lubhang naapektuhan ng bagyo.
Tiniyak ni US Embassy Chargé d’Affaires Ad Interim Heather Variava na handa lagi ang Estados Unidos na tulungan ang Pilipinas sa panahon ng kalamidad.
Moira Encina