Shortlist ng JBC para sa pagtatalaga ng bagong Chief Justice hinihintay na ng Malakanyang

Inaaabangan na ng Malakanyang ang shortlist na isusumite ng Judicial and Bar council o JBC para sa magiging bagong Chief Justice ng Supreme Court.

Kasunod ito ng pinal na desisyon ng Supreme Court en Banc na tuluyan ng pinatalsik si Atty. Maria Lourdes Sereno bilang Chief Justice sa pamamagitan ng Quo Warranto.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na mayroong 90 araw si Pangulong Rodrigo Duterte para magtalaga ng bagong Chief Justice.

Ayon kay Roque sakaling wala sa shortlist ang kursunada ng Pangulo maaaring ibalik sa JBC ang shortlist para maisama ang manok ng appointing authority.

Inihayag ni Roque na dapat igalang ang desisyon ng Korte Suprema sa kaso ni ginang serreno dahil bahagi ito ng judicial process sa ilalim ng demokratikong gobyerno.

 

Ulat ni Vic Somintac 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *