Shortlist ng mga nominado para sa puwesto ng Court of Appeals Presiding Justice, isinumite na sa Malacañang ng Judicial and Bar Council
Pitong nominado ang pasok sa shortlist ng Judicial and Bar Council para sa posisyon ng Court of Appeals Presiding Justice.
Ang mga ito ay sina Court of Appeals Associate Justices Nina Antonio- Valenzuela, Ramon Bato, Apolinario Bruselas, Mariflor Castillo, Marlene Gonzales- Sison, Fernanda Lampas- Peralta, at Edwin Sorongon.
Natanggap na ng Malacañang ang isinumiteng transmittal letter ng JBC.
Ang CA presiding justice post ay nabakante matapos magretiro si Justice Remedios Salazar- Fernando nitong Setyembre.
Moira Encina
Please follow and like us: