Shorts na ginamit ni Muhammad Ali sa ‘Thrilla in Manila’ isasailalim sa auction
Isasailalim sa auction sa Sotheby’s sa New York, ang shorts na ginamit ni Mohammad Ali sa kaniyang makasaysayang “Thrilla in Manila” boxing match.
Ayon sa Sotheby’s, “Bids, including the latest for $3.8 million, have been rolling in since late March for the Everlast-brand shorts, which are white with black stripes and are signed by Ali.”
Ang auction ay bukas hanggang April 12.
Naka-auction din sa Sotheby ang maraming sports memorabilias, kabilang ang isang uniform ng NBA star na si Victor Wembanyama.
Ayon pa sa Sotheby’s, “Despite a growing interest in historic sporting items, as of Thursday, the minimum price agreed to by the seller of Ali’s shorts has not yet been reached.”
Sa pagtaya ng auction house, ang shorts ay maaaring mabenta ng $4-6 million.
Ang 1975 “Thrilla in Manila” fight sa pagitan ni Ali at ni Joe Frazier ay ginanap sa Pilipinas kasunod ng kaniyang “Rumble in the Jungle” bout sa Democratic Republic of the Congo (na kilala noon sa tawag na Zaire) noong 1974.
Sa kaniyang paglalarawan niya noon sa laban nila ni Frazier ay sinabi ni Ali, “It was like death. Closest thing to dying that I know of.”
Kapwa kilala si Ali, na ang tunay na pangalan ay Cassius Clay at isinilang sa southeastern state ng Kentucky, bilang isang ‘sporting great’ at sa kaniyang papel sa paglaban para sa civil rights ng African Americans. Namatay siya noong 2016.
Sotheby’s is auctioning off a slew of sports lots, including a uniform from French NBA star Victor Wembanyama as well as the contents of his locker / TIMOTHY A. CLARY / AFP
Samantala, bukod sa shorts ni Ali ay kabilang din sa naka-auction ang maraming NBA jerseys, kasama ang kumpletong uniporma ng French player na si Wembanyama mula sa isang exhibition game na ginanap sa mga unang bahagi ng taong ito.
Ang interes sa game day goods ay kinapalooban na rin ng mga item mula sa locker ni Wembanyama, gaya ng isang upuan, mga bote ng tubig at isang tuwalya.
Para sa mga walang cash para sa jersey na tinatayang mabebenta ng $80-120,000, ang mga laman ng locker ay tinatayang aabot lamang ng $5-7,000.