Show cause order inisyu sa NBI at BI personnel kasama sa viral selfie photos ni Alice Guo

Pinagpapaliwanag ng Department of Justice o DOJ ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation o NBI at Bureau of Immigration o BI na kasama sa mga viral selfie picture kay dating Mayor Alice Guo.

Ayon kay DOJ Spokesperson Mico Clavano, kinausap na ni Justice Secretary Crispin Remulla si NBI Director Jaime Santiago at iba pang opisyal para mag-isyu ng show cause orders sa mga dawit na government agents.

Dismayado aniya ang kalihim at ang DOJ na nakatuon ang pagkakaaresto kay Guo sa mga nasabing larawan.

Sinabi ni Clavano na maaaring pinagdiriwang lang ng mga ahente ang pagkakadakip kay Guo pero hindi ito rason para sa nasabing asal.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *