Show cause order laban sa PATAFA, Inilabas ng Senado
Naglabas na ang Senate Committee on Sports ng Show cause order laban sa mga opisyal ng Philippine Track and Field Association o PATAFA
Ayon kay Senador Christopher Bong Go na Chairman ng komite, pinasasagot nila ang lahat ng opisyal ng PATAFA sa hiling ng mga Senador na maipacontempt .
Ito’y dahil sa umanoy pangigipit sa International athlete na si Ernest Obiena na pambato ng Pilipinas sa pole vaulter.
Si Obiena ay nauna nang sinampahan ng arbitration case ng PATAFA board sa Court of Arbitration for Sports sa Switzerland na ayon kay Go pagsuway sa utos ng Senado na magkaroon ng mediation process.
Nag- ugat ang isyu dahil sa umanoy hindi pagbabayad ni Obiena sa kaniyang coach at umano’y malabong liquidation sa kaniyang mga natatanggap na allowances na pinabulaanan na ni Obiena.
Tatlong araw ang ibinigay ng Senado sa PATAFA para sumagot.
Sinabi ng Senador na muli silang magpapatawag ng pagdinig para talakayin kung irerekomenda na macontempt ang mga taga PATAFA.
Apila ng Senador tigilan na ang pamumulitika at hayaan si Obiena na makasali sa mga kumpetisyon.
Meanne Corvera