Si Dr. Rizal bilang myth buster?
Dahil diyan tinanong natin si Prof. Vic Villan, isang historian para ibahagi ang isang mahalagang kaalaman tungkol sa ating Pambansang bayani.
Isa sa mga ginugunita natin kay Rizal ay ang pagiging myth-buster niya upang wasakin, durugin, at pagluray-lurayin ang mito o alamat na pinalaganap ng mga Espanyol tungkol sa ating pagkaunawang panlipunan, kaalamang pangkasaysayan, at pagpapahalagang pangkalinangan.
Ang alamat ay isang masining na naratibong ukol sa paglikha, pagpapatibay, at pagpapatuloy ng halagahing panlipunan.
Mayroong tatlong uri ng alamat:
1. Etiolohikal na alamat.
Tumutukoy ang una sa alamat na nagpapaliwanag sa pagkakaroon ng bagay-bagay sa paligid ng tao-daigdig, bituin, buwan, at araw. Gayundin, ng mga hayop at halaman at iba pa na mahalaga sa tao.
Samantala, ang pangalawa naman sa naratibong nilikha ukol sa makasaysayang kalakaran at kaganapan sa nakalipas na panahon.
Habang ang pangatlo naman ay sa naratibo tungkol sa values na mahalaga ukol sa ating pag-iral bilang tao o bayan.
Sa paggunita natin kay Rizal, inaalaala natin siya dahil sa pinasinungalingan niya ang di nakabatay sa facts na nilikhang alamat ng mga Kastila tungkol sa atin na tayo diumano ay barbaro o di-sibilisado, nahirati sa mababang antas ng pamumuhay, at mga pagano umano ang uri ng ritwal na panrelihiyon ng ating mga ninuno.
Tinugon niya ito na mayroon tayong kabihasnan tulad ng iba pang matayog na kabihasnan sa daigdig sa pamamagitan ng pagpasundayag sa ating sistema ng panulat.
Gayundin, pinasinungalingan din niya ang ukol sa naratibong mababa ang ating pamumuhay sa pamamagitan ng ginawa niyang anotasyon sa akda Morga (1609) at idiniin na mayroon na tayong organisadong antas ng pamumuhay na makikita sa ating pakikipag-ugnayan sa ibayong dagat.
Binasag din ni Rizal ang dalawang pagtingin sa Kasaysayang Pilipino na dinalumat na ni Zeus Salazar ukol sa tatluhang pagtingin ni Rizal sa Kasaysayang Pilipino.
Ibig sabihin, sinalungat ni Rizal ang nosyon o nilikhang alamat ng mga Kastila na panahon ng kadiliman ang precolonial Philippines, at may dalang liwanag sa lipunan at kasaysayan at kultura ang kanilang pagdating sa kapuluan.
Pinahalagahan din ni Rizal ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagbabalik sa sinaunang sistema ng pagsusulat, pagpapalakas sa sinaunang kasaysayan at kaugalian, at pagpapahalaga sa kaalamang bayan.
Ibig sabihin, ang value-laden (kolonyal) na alamat ng mga Espanyol ay walang factual na basehan at nagpapahiwatig sa atin kung gayon sa halaga ng ugnayan ng fact-based knowledge at value-based na epistemolohiya na ipinakita niya sa kaniyang mga naratibo.