Side effects ng booster dose, katulad ng sa second dose
Lumitaw sa isang pag-aaral sa US, na karamihan ng side effects ng 3rd shot ng isang Covid vaccine ay mild o moderate, na gaya ng pagkatapos maiturok ang 2nd dose.
Ang report ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ay galing sa higit 22,000 katao na lumahok sa isang vaccine safety smartphone app at nabigyan ng booster shot sa pagitan ng August 12 at September 19.
Sa panahong nabanggit, ang third dose ay pinayagan lamang ibigay sa mga taong “immunocompromised” at hindi sa buong populasyon.
Ayon kay CDC director Rochelle Walensky . . . “The frequency and type of side effects were similar to those seen after the second vaccine doses, and were mostly mild or moderate and short-lived.”
Ang madalas maireport na side effects ay kinabibilangan ng injection site pain (71% ng study participants), fatigue (56%), at sakit ng ulo (43%).
May 28% naman na nagreport, na hindi nila nagawa ang kanilang normal daily activities, karaniwan nang kinabukasan matapos silang bakunahan.
Nasa two percent naman ng participants ang kinailangan ng medical care, at 0.1 percent o 13 katao ang na-ospital.
Samantala, pinahaba pa ang pag-analisa sa isang subset ng halos 21,700 katao na binigyan ng kapareho ring tatlong doses ng mRNA vaccine (Moderna o Pfizer).
Nitong nakalipas na linggo, pinalawak ng US health agencies ang authorizarion ng Pfizer booster doses sa mga higit edad 65, mga nasa edad 18-64 na may medical conditions gaya ng diabetes o obesity, at sa mga expose sa virus dahil sa kanilang trabaho o sa lugar kung saan sila nakatira.
Samantala, nagbabala ang CDC na may limitasyon sa kanilang report.
Kabilang dito ang katotohanan na ang mga lumahok o nag-sign up sa smartphone app na tinatawag na “v-safe” ay boluntaryo.
Ayon pa sa CDC . . . ” The participants skewed more heavily white than the national population. During the study period, some non-immune compromised may have also received a booster outside of recommendations because they were worried about waning immunity, and so findings can’t reliably be linked to immune compromised people only.”