Sight Savings Month, ginugunita ng DOH

Batay sa Proclamation No. 40, itinalaga ng Department of Health ang Agosto bilang Sight Saving Month”.

Layunin ng pagdiriwang na maisulong pa ang mas malawak na kamulatan tungkol sa kahalagahan ng marapat na pangangalaga sa mata at pag iwas sa pagkabulag at iba pang mga sakit sa paningin, at hikayatin ang mga pilipino na ipasuri ang kanilang mga mata.

Patuloy ang programa ng DOH tungkol sa pagbibigay lunas sa mga problema sa paningin sa na prevention of blindness program nito at ng limang taong strategic plan nito mula 2013-2017.

Pangunahing layunin ay mabawasan ang insidente ng pagkabulag ng mga Pilipino.

Samantala, ayon kay Doc. Allan Lusung, isang Optometrist, ang problema ng pagkaduling at pagkabalag ay maaaring malunasan, kung kaya, ito ay hindi dapat na ipagwalang bahala ng mga magulang na may anak na duling o banlag.

“Yung mga nagduduling saka ung mga banlag, kasi ang akala nila, kapg duling saka banlag, ooperahan na…hindi nila alam, meron po palang pag-asa, na sila ay gumaling o maituwid muli ung mata nila depende sa kalagayan na hindi ito kailangan operahan”. – Doc. Allan Lusung, Optometrist

Payo ng DOH, magpasuri ng mga mata  taon lalong lalo na kapag ang edad ay nasa 4o na pataas.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *