Signages para sa isasarang U-turn slots sa EDSA, sinimulan nang ilagay ng MMDA
Sinimulan na ng Metro Manila Development Authority ( MMDA) ang paglalagay ng mga karatula para sa pagsasara ng U-turn slots sa kahabaan ng EDSA.
Ayon sa MMDA, simula sa Lunes, Setyembre 28 ay uumpisahan na nila ang unti-unting pagsasara sa 13 U-turn slots.
Kabilang sa mga isasara sa mga motorista ay ang U-turn slot sa Quezon City, tig-tatlong slots naman sa Caloocan City, Makati City at Pasay City.
Unang maaapektuhan ang isasarang U-turn slot ang mga motoristang dumadaan sa Quezon Avenue.
Tiniyak naman ni MMDA Spoekesperson Asec. Celine Pialago na bago isara ang mga U-turn slot ay mag-aabiso sila mga motorista.
Pinayuhan din ng MMDA na huwag mag-alala ang mga motorista dahil pwede naman nilang gamitin ang mga rotonda at service road.
Para naman hindi magkaroon ng problema sa trapik, magde-deploy ang MMDA ng traffic Constables sa mga apektadong lugar.
Ronald Nery