Signal No. 1 nakataas pa rin sa ilang bahagi ng Luzon, habang kumikilos pa-hilagang kanluran ng PAR ang bagyong Paeng
Nakataas pa rin ang Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon habang kumikilos ang Tropical Storm “Paeng” pa-hilagang kanluran ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na ang sumusunod na mga lugar ang nasa ilalim ng Signal No. 1:
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- Nueva Vizcaya
- kanlurang bahagi ng Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Allacapan, Lasam, Santo Niño, Piat, Tuao, Rizal)
- kanlurang bahagi ng Isabela (Cordon, City of Santiago, San Mateo, Ramon, Alicia, San Isidro, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Aurora, Cabatuan)
- hilagang-kanlurang bahagi ng Quirino (Cabarroguis, Diffun, Saguday)
- hilaga, kanluran, at timugang bahagi ng Nueva Ecija (Cuyapo, siyudad ng Gapan, Talavera, San Leonardo, Santo Domingo, Rizal, San Isidro, Zaragoza, Llanera, Guimba, Aliaga, Science City ng Muñoz, General Mamerto Natividad, Cabanatuan City, Carranglan, Quezon, San Antonio, San Jose City, Santa Rosa, Lupao, Nampicuan, Talugtug, Peñaranda, Jaen, Licab, Cabiao, Pantabangan)
- Pampanga
- Bataan
- Tarlac
- Zambales
- kanlurang bahagi ng Bulacan (Hagonoy, Paombong, City of Malolos, Guiguinto, Calumpit, Pulilan, Plaridel, Baliuag, Bustos, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael)
Ayon sa PAGASA, katamtaman hanggang malakas na mga pag-ulan ang malamang na maranasan sa Batanes, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan kabilang na ang Calamian at Cuyo Islands.
Please follow and like us: